No. 41 • The Karnabal Issue

Updated at: 4:23 AM.
Under Category : poet'sPicturebook


Ang Uniberso Ayon sa Lupa


Hindi nauulit ang pag-uulit-ulit.

Kahit ang mga parehong pangalan ng mga patay
na sinasambit sa mga misang inaasahang tutubos
at magpapatahan sa kanila—

Mga kaluluwang tinawag ng matandang kampana
nang panahong nagkaisa ang hangin, ang apoy at ang tubig
sa loob ng isang bulkan.

Hindi na ito mauulit. Ganito nila sinumbatan
ang pinagbintangang langit. Binalot nila ang kanilang galit
at nagpupuyos na muling itinayo ang mga tore at edipisyo gamit
ang mga itim na batong ebidensya ng huling pananalanta.

Sa kanilang alaala inukit nila ang mga eksena:
kung paano tinatabunan ang lahat nang paulit-ulit.
Lumalabas ang nana sa sugat
at inuubos ang nalalabing bahagi ng balat.

Upang patahanin ang takot at silakbo ng tao
bumalik siya sa relihiyon na tumayong bagong siyensya:
Tanging ang paniniwala lamang sa kaluluwa
ang magliligtas sa katawan. Babalik ang lahat sa lupa.

Walang malalabi sa mga labí.
At mauulit-ulit ang lahat ngunit walang mauulit
maging ang mga dasal at ang kanyang pakikipagtalik.

Ganito hinahasa ang alaala. Ganito
patuloy na lumalaki ang uniberso ng tao
na ngayon ay matamang nakatanghod sa harapan ng bulkan,
inuusisa niya ang panahon ng pagtiklop ng mga dahon.

Batid na ng tao na ang pagtuklas ng oras ay katulad lamang
ng pagdampot ng buhangin na bumalot sa kanyang lupain.

Dinudurog niya ang mga ito.
Masdan.

Hindi na mauulit ang pag-uulit-ulit.





The Universe According to the Earth


Recurrence does not repeat itself.

Even the same names of the dead
intoned in masses intended to redeem
and silence them—

The souls the old bell called in
when the wind, fire, and water were one
inside a volcano’s bowels.

It cannot be repeated. This was how they blamed
heaven that now stood accused. They wrapped their rage
and raging raised again the towers and edifices
with the black stones that were proof of the last ruinous tempest.

They carved the scenes in memory:
how everything is repeatedly buried, obliterated.
The wound festers
and the rot eats the rest of the skin.

To calm human fear and fury
he returned to religion that became the new science:
Only belief in the soul
shall save the body. Everything returns to earth.

Nothing will be left of what’s left.
Everything will recur but nothing will be repeated
not even prayers, not love.

This is how memory is honed, exercised. This is how
the universe of man expands,
the man who would now be looking up a volcano,
questioning the season of leaves folding.

Man now knows that knowing time is just the same
as scooping up the sand that covers his land.

He crushes it in his hand.
Watch.

Recurrence does not repeat itself.

(tr: mlk)

 

No. 41 • The Karnabal Issue
"No. 41 • The Karnabal Issue" Was posted by: , Friday, January 28, 2011, at 4:23 AM under category poet'sPicturebook and permalink http://chocoism-itsmyworld.blogspot.com/2011/01/no-41-karnabal-issue.html. Id 5.888,888.

Comments :

 
Is Hosted by Blogger