Madaling Akalain
Madaling akalaing
maamo ang kanyang
mga mata.
Matinik lamang
ang makakabanaag
ng talim ng punyal
na munting kanti lamang
ay kusang tatarak.
Umaga Pa Lamang
Umaga pa lamang
ay mataas na ang alon,
madilim na ang langit
sa dako roon,
doon
sa kalalimang hitik
sa sari-saring lamang dagat—
sa mga kulay pa lamang daw
ay magugulantang ka na.
Kaya sila’y pumalaot,
sumulong, sumuong,
iniwan akong nakatunganga,
paa lamang ang basa.
Dumadausdos
Dumadausdos sa bubong na yero
ang mumunting patak ng katiting na ulan,
malapit nang makianod sa alulod
pababa sa kanal
na maghahatid sa ilog
na rumaragasa padagat.
ang sikat ng araw.
Easy to Mistake
Easy to mistake
the tenderness in her
eyes.
Only the sharp
will make out the glint
of dagger
that will lunge
at the slightest touch.
It is Still Morning
It is still morning
and already the seas are high,
the sky dark
in the distance,
there
in the deep full
of the ocean’s blessings—
where it’s said the colors alone
will astound you.
And so they sailed
forward and into the deep,
leaving me agape,
only my feet wet.
Sliding
Sliding on the GI roof
are the tiny drops of a very slight rain,
and I am about to join the current on the eaves
down the canals
that will take me to the river
hurtling to the sea.
The sun
is shining hard.
(tr:mlk)
❦