
Bilingual Folio: Poetry in Filipino
Romulo P. Baquiran Jr
Bonsai
Naniniwala ako nang lubusan:
wagas na pag-ibig ang nagtutulak
sa iyo upang hubugin ako sa kaliitan.
Mapagpala ang bihasa mong pagpilipit
sa sanga kong nagpipiglas sanang tumayog
upang higit na matikman ang bukanliwayway;
mapagkandili ang tiyak mong paglagas
sa mga dahon kong nagsisikap dumami
sa pag-asang masinghot ang samyo ng amihan;
mapagmahal ang gawisik mong pagdilig
sa pagkapuno kong naghahangad yumabong
sa pinakamahusay na alay mong daigdig.
Sang-ayon akong lahat sa iyong niloloob
pagkat batid kong ang lahat ng maselang sining
ay para sa aking ikabubuti at ikariringal.
Walang pasubaling tinatanggap ko,
nang walang alinlangan, ang iyong pag-ibig.
Bonsai
I fully believe:
it is true love drives you
to shape me in smallness.
Benevolent is your expert twisting
of my branch as it struggles to unfold
and have a taste of the sunrise;
solicitous is your clipping
of my leaves that I long to multiply
to catch the scent of the north wind;
devoted is the way you water in trickles
my tree-ness that yearns to flourish
in the magnificent world you offer.
I agree: everything you intend
in your delicate art is all
for my good and exquisite splendor.
Without reserve, without
hesitation, I accept your love.
Teo T. Antonio
Pagwawalis
Kapag nagwawalis at itinataboy ang dumi,
Papalabas sa pintuan ng bahay;
Para na ring winawalis ang suwerte o biyaya
(Ayon sa lumang paniwala) lalo't gabi.
Kailangan daw na mula sa pinto,
Papasok sa loob ng tahanan ang pagwawalis.
Kung ito ang susundin ng isang nangungulo
At maglilinis ng bahay-pamahalaan;
Sa pagwawalis papalabas sa pintuan
Mawawalan ng biyaya maging siya
O ang dating mandarambong na opisyal.
Halimbawa namang maglilinis, papasok mula sa pinto
Muli namang mabubundat sa suwerte
Ang nabalik na opisyal na saragate.
Hindi lahat ng dating orden at pamahiin,
Nararapat isagawa at tupdin.
Nagbabago ang asal at kilos ng tao at panahon.
Makabubuting pakiramdaman ang talampakan
At pulso ng kapaligirang pabago-bago.
Sweeping
If you sweep dirt out the door
Of your house,
It’s like sweeping away fortune or blessings
(So goes the old belief), especially if at night.
The right way is from the door into the house.
If a leader, say, follows this
And cleans the house of government,
Sweeping dirt out the door
Will drive away blessings, from himself
As well as from the former thieving official.
If, on the other hand, he sweeps from the door inward,
He’ll be bringing fortune back, and with it
The official thief, whose belly he will fatten besides.
Not everything of the old order and beliefs
Must be copied or obeyed.
Manners and times change.
It will be prudent to check the pulse,
Feel the foot-sole, of one’s surroundings,
Which are always changing this way and that.
Roberto A. Añonuevo
Katarungan
“Hindi palusot ang kawalang-muwang sa batas,” sabi ng Dakilang Hukom, “upang labagin ang mga batas.” Ang problema’y isinulat ang mga batas sa tubig. At ang wika ng batas ay sadyang likido, at may gramatikang kabesado lamang ng gaya ng kompanyerong balyena, pating, at buwaya. Kaya huwag ipagtaka ang krimen at ang parusa. Tandaan: Ang sinumang baguntaong manalamin sa sapa ay tutuklawin ng makamandag na kariktan. Ang sinumang tagalupang lumusong sa tubig ay iaahon bilang kalansay. At ang sinumang tarikang uminom ng tubig ay malalason at malalapnos ang lalamunan at kaloob-looban, dahil ang tubig ay para lamang sa mga anito’t Maykapal.
Justice
“Ignorance of the law excuses no one,” said the Great Judge, “to break the law.” The problem is laws are written on water. Language and the law are truly liquid, with a grammar mastered only by the franternity* of whales, sharks, and crocodiles. So don’t wonder at the crime and the punishment. Remember: any young man who look at his reflection on the pond will be smitten by venomous beauty. Any mortal who wades into the water will rise a skeleton. And if any highlander drinks of the water, he will be poisoned, his throat and all his insides burned, because the water is only for the gods and the Creator.
*compañero in the original, or companion, partner, mate in Spanish, is the informal, self-distinguishing word used by lawyers in the Philippines when referring to themselves

Joi Barrios
Diskurso ng Estado
Kalimutan nating may patay.
Sa halip, magngumiyaw:
“Ang welgista ang unang nambato
Kaya nagpaputok ang sundalo.”
Kalimutan nating pitong bangkay ang ngayo’y nililibing.
Sa halip, maghanap ng ibang sisisihin:
“Nasulsulan lamang sila ng taga-labas
Kaya ang nag-aklas, at siyang bumulong, barilin nang lahat.”
Kalimutan natin ang kanilang pinaglaban.
Ang kasaysayan ng lupa,
Ang salaysay ng dalita:
“Isisi ang naganap sa komunista,
Sa isipan, panatilihing tanga
Ang magsasaka.”
Ito ang laman ng diyaryo,
Ang palabas sa telebisyon.
Ang diskurso ng estado.
Pagkat ngayo’y paghihiwalay ng panig.
Saan titindig? Ano ang matwid?
Kung tayo man na sa burol dumalaw
Kung ang kamay man natin na nakiramay,
At ang puso na nakiluksa
Ay ipinta nilang pulang-pula
Isuot natin ang kulay ng dugo
Nang may dangal at taas-noo.
Batid natin ang totoo:
Ang estado na dumudura
Sa puntod ng magsasaka
Ay estadong may pangamba
Na may mundong babaligtad
Sa sandali ng pag-aklas!
State Discourse
Let’s forget people are dead,
Instead, whine:
“The strikers threw the first stone
So the troops fired.”
Let’s forget seven bodies are now being buried.
Instead, look somewhere to pass the blame:
“They’ve been whispered to by outsiders
So shoot, strikers and whisperers alike.”
Let’s forget what they fought for.
The history of the land,
The story of their poverty:
“Blame everything on the communists,
In the mind, keep the peasants
Stupid.”
This is what’s on the papers,
The television shows,
The state discourse.
For now is the time to take sides.
Where to stand? Which is the straight path?
If we went to the wake
If we gave our hand,
Our heart to share their grief
And then we’re painted red,
Well then, let’s dress up in the color of blood
Proud, our heads held high.
We know the truth:
The state that spits
On the peasant’s grave
Is the state afraid
The world will turn upside down
When the people rise.
(Translations by Marne L. Kilates)